Tiniyak ng Malacañang na matutuloy ang nakatakdang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre 1, 2025 maliban na lang kung ipagpapaliban ito sa pamamagitan ng batas.
“The elections will push through as long as no law has been issued to cancel or postpone it,” sabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nitong Miyerkoles, Hunyo 11.
Ang pahayag ni Castro ay kasunod ito ng panukalang palawigin ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK na gagawing anim na taon mula sa tatlong taon.
Sinabi rin ni Castro na iginagalang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proseso ng lehislatura kaugnay ng naturang panukala.(Angelica Malillin)