WebClick Tracer

SPORTS

12 Alas Men Tonite sports online

nothing br

Recent Posts

ABANTE TONITE

#image_title

Sa likod ng 20 points ni Mark Jesus Espejo, sinorpresa ng Alas ‘Pinas ang bagong Korean V. League champion Hyundai Capital Skywalkers, 25-22, 22-25, 25-21, 25-20 sa Alas Pilipinas Invitationals nitong Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kinana ng national team skipper ang trabaho sa likod ng 17 attacks, 2 blocks at 1 ace para sa maangas na kampanya ng bansa sa torneo.

Ito’y kasunod sa paggulantang din ng PH 6 sa isa pang malakas sa Asia, ang back-to-back Indonesia Proliga champion Jakarta Bhayangkara Presisi, 25-23, 27-29, 25-21, 25-22, noong Martes ng gabi.

Sunod sa Pinoy squad sa 4-team, 3-day men’s volleyfest na matatapos ngayon (HUwebes) ang astig na Thailand national team.

Ang torneo ang sukatan ng Philippine National Volleyball Federation sa wala nang 100 paghahanda ng koponan para sa 21st FIVB Volleyball Men’s World Championship na itataguyod ng bansa sa September. (Abante Tonite Sports)

TELETABLOID

Follow Abante News on